Ano ang Sanaysay?
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Kahulugan ng Sanaysay
Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.
Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.
Mga Uri ng Sanaysay
Sulating Pormal o Maanyo
Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
Sulating Di-pormal o Impormal
Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
(Mula sa http://sanaysay-filipino.blogspot.com )

Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Pormal
Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.
Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)
ni: J
Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.
Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon.
(Mula sa Mga Sanaysay sa Filipino, 2011. http://sanaysay-filipino.blogspot.com)

Sanaysay sa Filipino na Di-Pormal
Istorya ng Pinto
ni: J
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentine’s Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalaga’y tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.
“Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon din ang saya’t ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang katahimikan at sa umaga’y gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit paano. Masasanay din ako…Nasasanay na rin ako…”
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina….
(Mula sa http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-sa-filipino-na-di-pormal.html)
Halimbawa ng Sanaysay na Nangangatwiran
Hindi Apektado (SANAYSAY SA FILIPINO)
ni: J
Maaaring relihiyon lang ang hindi apektado ng “global economic crisis” sapagkat sa panahon ng krisis sa ekonomiya ng Pilipinas, o ng alin mang bansa sa mundo, mas nagiging relihiyoso ang mga tao. Sa panahong nararamdaman na ang pait ng buhay, ibig umigib ng sagradong tubig upang maipanulak sa nalalasahan. At sapagkat hindi makakuha ng sapat na tulong galing sa mga taong nakikita ng mata at nahahawakan ng kamay, isasalin na lamang ngayon ang pansin at pag-asa sa pananampalataya at mga paniniwala.
Ang imaheng nasa espiritu ng relihiyon, maging ito man ay kasing-negro na katulad ng Nazareno sa Quiapo o kasing-tisoy ng imaheng ipinaparada sa Pampanga, o ang walang pigura ng mga iba pang samahan, ay nakikitang isang matibay na kakapitan sa panahon ng kagipitan. Mayroon itong isang hiwaga na sa oras na ikaw ay manampalataya, ikaw ay makatatanggap ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Sapagkat ibig paniwalaan na sa oras ng bagyo at baha ay may isang “rescue officer” na maaring magligtas sa mga “nasalanta.”
Kaya nga, sa patuloy na pag-usbong ng iba’t ibang relihiyon, patuloy rin sa pagdami ang mga nagiging tagasunod. At sa patuloy na panganganak sa mga nananampalataya, maliwanag na sandamukal na abuloy para sa mga namumuno.
Sa bahay-sambahan, kung ika’y dadalo at mag-aaral ng mga banal na salita, (bible study o prayer meeting sa iba) hindi maaaring hindi ka mag-aabuloy. Bahagi ito ng pananamplataya mo bilang isang Kristiyano. Bahagi ito ng aral o batas na naisubo sa iyo magmula pa sa iyong kabataan. Itinuturo ito maging sa paaralan. At ito rin ang ipinangaral ng mga mananakop mahigit limang daang taon na ang nakalilipas. Kahit barya na lang ang madudukot mo sa bulsa, hindi makakalimutan ang pagbibigay. Sapagkat sa pagbibigay, maipakikita mo na ikaw ay nakikibahagi sa mga gawaing nakaatang. At sinasabing ang hindi pagbibigay ay “pagnanakaw” sa nasa Itaas.
Bibili ka pa ng kandila sa loob. Ititirik ito sa mga tulusan sa paniwalang matutupad ang iyong mga kahilingan. Para magkaroon ng bisa, (o upang alisin ang konsensya sa hindi pag-aabuloy) maliwanag ang limang pisong hulog sa donation box na nasa tabi. Kung medyo hindi ka nakuntento at naghahanap ka pa ng mas mabisang makakapitan, hindi mo paliligtasing bilhin ang mga rosaryong nasa eskaparate, ang mga maliliit na kuwintas ni St. Martin de Porres para sa mga maysakit at ang pigurin ni Sto. Niño na iba’t ibang kulay, outfit at design. Mas mahal ng kaunti ang mga nasa kanan sa dahilang ito’y “nabasbasan na”. May power na taglay, ‘ika nga.
Nakahilera rin ang mga printed materials para sa mga mahihilig magbasa. Naglalaman ito ng sari-saring dasal, istorya, kwento, bulong at novena para sa iba’t ibang santo at santa. Iba ang dasal kay Santa Maria, iba naman ang panalangin para kay San Pedro. Siyempre pang may katumbas na halaga ang bawat isa. Depende ang presyo sa sukat at kapal ng babasahin. Depende sa dami ng mga pahina at depende rin sa kintab, kapal at uri ng papel na ginamit.
Kung gustong maisakatuparan ang mga sakramento at upang mahigpit na makakapit upang makatanggap ng siksik, liglig at umaapaw na mga biyaya, susundin mo ang mga alituntunin ng batas. Sapagkat hindi mo gustong mawalan ng bisa ang mga “banal” mong gawain.
May sobre para sa binyag. Pwera dito ang “entrance fee” na binayaran ng mga magulang kapag ililista ang pangalan ng bata. Ang sobreng puti ay para sa mga Ninong at Ninang at iba pang mga kasama. Kung kapamilya ka, o kahit kapuso pa, hindi ka makaliligtas ng sobreng ito.
Kung nagparamdam naman ang lolo mong namatay, kailangang magpamisa para sa ikatatahimik at ikaaahon ng kaluluwa sa purgatoryo. Doon sa sekretarya ang punta mo. Gagawa ka ng appointment para mai-book ang lolo mong namatay sa mga iaahon mula sa purgatoryo. Tatlong klase ang presyo sa tatlong klase ng pamisa. First Class, Business Class at Economy Class. Kung gusto mong maging priority ang lolo mo at hindi chance passenger, first class ang kunin mo. Pero, natural, dahil first class ito, mas mataas ng kaunti ang pamasahe.
Kung nagbabalak magpakasal, may dalawang klase naman, primera at segunda. Depende ang price tag sa dami ng bulaklak, sa hilatsa ng red carpet at sa lakas ng boses ng magkakasal. Mamimili ka rin kung may kasamang singer at isang piyanista. Sa primera klase, ala-Celine Dion ang boses ng kakanta. Sa segunda, medyo pasmado ang kamay ng piyanista. Ang show charge ay lumalabas sa iyong chit bago pa simulan ang seremonya.
Ang mga abuloy ay napupunta daw sa relihiyon. Napapakinabangan ba ng mga miyembrong nangasalabas ng simbahan na nagtitiis sa lamig ng lansangan dahil walang pook na titirhan? Napupunta ba sa mga gutom na batang nasa bingit ng panganib sa humahagibis na sasakyan pagkat kailangang maglimos upang kumain? O sadyang hindi nakikialam, sapagkat ang pagtulong at pagkupkop sa kanila’y itinuturing na tungkulin ng gobyerno?
Hindi masama ang relihiyon. Walang masama sa pananampalataya. Ngunit higit sa anumang dapat isaalang-alang, kinakailangan ang batas na tunay upang hindi mawalan ng kabuluhan ang mga paniniwala. O masilo sa bitag na inihahanda at iniuumang at inuhuhugis ng mga namumuno.
Apektado sa krisis ang lahat ng negosyo, pati ang pamahalaan. Pero, relihiyon lang ang hindi apektado. Maaaring hindi maghihirap ang mga relihiyon. Sapagkat sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng makakapitan sa oras ng kagipitan, patuloy silang magbibigay ng abuloy dahil sa kanilang mga pananampalataya. At sa patuloy na paglalagak ng sarili sa kani-kanilang pananampalataya, patuloy ring dadagsa ang mga tao upang busugin at bundatin ang mga pinuno ng relihiyon. Mga pinunong nasanay na mangaral kapalit ng pagtanggap ng mga kapakinabangan. Mga pakinabang na isasampa nila sa kanilanbg mga sikmurang tila butas at walang kabusugan.
(Mula sa http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/halimbawa-ng-sanaysay-na-nangangatwiran.html)