ALS Essay
Ang essay o sanaysay sa Filipino ay isang uri ng maigsing komposisyon (pagsulat) na kung saan ang nilalaman ay kalimitang personal na opinyon, makatotohanang pananaw, o karanasan ng may-akda patungkol sa itinakdang tema o paksang tinatalakay.
Maaaring hindi napupuna ng karamihan, ang essay ang pinakamadalas na ginagamit na uri ng written literature sa kasalukuyan. Sa pag-aaral, essay writing ang kadalasang pamamaraan na ginagamit upang mai-express ng kumpleto at malinaw ang points of view sa topic o tanong. Gayundin naman kapag nag-aapply ng trabaho, kabilang ang essay writing sa ginagamit na panukat ng mga recruitment officers sa kaalaman ng applicants. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong kaalaman sa pagsulat ng essay. Patunay na ang essay writing skills ay mahalagang kaalaman na mapapakinabangan ng bawat isa, hindi lamang sa paaralan kundi pati rin sa totoong laban ng buhay.
Mayroong dalawang uri ang sanaysay: ang pormal at impormal (di-pormal). Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang nangangailangan ng pagsasaliksik. Ang mga nilalamang impormasyon ay hindi lamang purong personal na opinyon ng may-akda, kinakailangang may pinagbatayang pag-aaral o mga pananalita mula sa mga kilalang tao sa larangan ng paksang tinatalakay. Ang mga salitang ginagamit sa uri ng sanaysay na ito ay masusing pinipili - teknikal at matalinhaga. Ang impormal o di-pormal na sanaysay naman ay masasabing mas malawak ang mga paksang maaring talakayin at nangangailangan lamang ng sariling opinyon o personal na karanasan ng may-akda. Ang mga salitang ginagamit ay hindi nangangailangang teknikal o matalinhaga.
Isa pang punto ng pagkakaiba ng dalawang uri ng sanaysay ay ang pamamaraan ng pag-deliver ng pananaw (points of view). Ang pormal na sanaysay ay sinusulat sa pamamaraang objective o di kumikiling (neutral) sa pananaw ng may-akda. Ang impormal na sanaysay naman ay sa pamamaraang subjective dahil pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Upang mas madaling maunawaan, bisitahin ang article na ito sa mga susunod na araw para sa mga essay samples.
Maaaring tanong ng ilan kung anong uri ng essay ang kinakailangan para sa Composition Writing na bahagi ng ALS A&E Test, ang sagot ay naka-depende sa mga tema o paksang ibibigay sa mismong examination day. Kaya nire-rekomendang pag-aralan ang parehong uri.
Walang dapat ipangamba sa bahagi ng ALS Test na essay writing, sundin lamang ang mga pamantayan sa pagsulat ng essay at sa tulong ng mga ideya mula sa mga essay samples mula sa website na ito. Kasabay ng pagsisikap mong mag-review ay siguradong makalipas lamang ng ilang araw ay magiging madali na para sayo ang pag-compose ng essay sa kahit ano pa mang tema o paksa.
Mula sa http://www.deped-als.com/search/label/ALS%20Essays

Napakahalagang bahagi ng ALS Test ang Composition Writing o Essay Writing. Kahit iyo pang magawang ma-perfect ang multiple choice na bahagi ng pagsusulit, ngunit ikaw ay hindi palaring maabot ang required points para sa essay writing, hindi ka pa rin makakapasa sa pagsusulit. Ito ang napakalaking katotohanang pinagwawalang-bahala ng karamihan at labis na pinagsisisihan sa huli.
May mga ilan din namang naniniwalang nagawa nila ng tama ang bahagi ng pagsusulit na essay writing, ngunit nabibigla paglabas ng ALS Result at mapag-alamang sila'y hindi nakapasa dahil mababa ang puntos na nakuha sa essay.
Laging isa-isip na kinakailangang maipasa ang parehong bahagi ng ALS Test na multiple choice at composition writing upang makapasa sa test at makamit ang pribiliheyong makapagpatuloy ng pag-aaral sa college. Ipinapayo sa lahat na parehong pagbuhusan ng inyong atensyon at oras sa pag-re-review ang parehong bahagi ng test. Maasahang katulong ninyo ang DepED-ALS.com sa inyong pag-re-review.
Pangamba ng karamihan na may kahirapan ang pag-compose ng essay. Sa mga baguhan, oo totoong mahirap. Ngunit ating isiping kahit saan mang bagay na walang madali sa umpisa at ang isa sa mga mabisang motibasyon para dito ay ang popular na kasabihang "Practice Makes Perfect".
Sa pagsulat ng essay, mayroong mga pamantayang kailangang sundin. Ang ilan sa mga ito ay medyo "teknikal", ngunit aming pipiliting isulat at ipaliwanag sa pamamaraang mas madaling maiintindihan ng karamihan.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Essay (Simplified):
1. Pag-isipan ang mga idea na tatalakayin sa kabuuan ng iyong essay. Dahil ang bahaging composition writing sa ALS Test ay may allotted time lamang para tapusin, itong tip na ito ay makakatulong ng malaki upang ikaw ay mapabilis at maiwasang ma-mental block sa kalagitnaan ng pagsu-sulat ng essay. Isangcommon problem na nararanasan ng marami.
Siguraduhin ding hindi lalayo ang iyong mga idea sa tema.
2. Gawan ng balangkas (outline) ang mga naisip na idea. Ito ay upang magkaroon ka ng guide sa pagkakasunod-sunod ng mga ideyang iyong isusulat. Dahil din dito ay mas-magiging focus ang iyong isip sa iyong mga isusulat, at kung mangyaring may bagong idea kang maisip sa kalagitnaan ng iyong pagsusulat ay hindi mo pa rin makakalimutan ang mga ideyang mas una mong naisip. Dahil din sa tip na ito ay maiiwasan ang redundancy o pagkaka-ulit ng pagtalakay sa idea.
Ang outline ay hindi kinakailangang detalyado, isulat lamang ang mga keyword o mga salitang magiging palatandaan mo para sa mga ideyang naisip.
Halimbawa:
3. Ugaliing gumamit ng tamang punctuations, capitalization, spelling,grammar, at format. Paniniwala ng bumubuo ng website na ito na dagdag sa mga ang layunin ng DepED para sa bahagi ng composition writing, ay bukod sa masukat ang kakayahan ng ALS Student sa pagpapahayag ng kanilang opinyon at kaalaman sa pamamaraan ng pagsulat, ay para rin masukat ang kanilang kaalaman sa wastong paggamit ng punctuations, capitalization, spelling, grammar, at format.
Punctuations - o bantas at pananda sa Filipino. Ito ay ang kaalaman sa wastong paggamit sa pangungusap ng mga sumusunod:

- tuldok period .
kuwit comma ,
kudlit apostrophe '
panipi quotation marks " "
tutuldok colon :
tuldok-kuwit / tuldukuwit semicolon ;
tandang pananong question mark ?
tandang panamdam interjection !
gitling hyphen -
palasa arrow >
panaklong parentheses ( )
krus na pananda plus sign +
pakupya circumflex ^
pahilis na guhit slash mark /
- Capitalization - Ang paggamit ng malaking titik sa unang letra ng salita sa unang salita ng pangungusap, at sa unang letra ng pangngalan ng tao, lugar, institusyon, brand ng produkto, atbp.
- Grammar - o balarila sa Filipino. Ito ay ang wastong pagpili at paggamit ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
- Kahapon ay maglalaba ng kanyang uniporme si Nena. (mali)
Kahapon ay naglaba ng kanyang uniporme si Nena. (tama)
- Naligo sila Nene at Ana sa ilog kahapon. (mali)
Naligo sina Nene at Ana sa ilog kahapon. (tama)
- Si Pedro ay nagbabasa ng nakahiga. (mali)
Si Pedro ay nagbabasa nang nakahiga. (tama)
- Kahapon ay maglalaba ng kanyang uniporme si Nena. (mali)
- Spelling - Ang wastong pagbabaybay ng pantig ng salita.
- Format
** Regular na bisitahin ang page na ito, para sa mga tutorial links sa wasto at mas detalyadong pagtalakay ng mga nabanggit na aralin (punctuations, capitalization, spelling, grammar, at format).
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga pamantayan sa pagsulat ng essay, na sa paniniwala ng bumubuo ng website na ito ay kung inyong susundin ay mapagtatagumpayan ninyong maipasa ang bahaging composition writing ng ALS Test.
(Block Format) (Indented Format)
Kung nais ninyong ikonsulta ang inyong mga essay composition, pumunta lamang sa ating Facebook Page - http://www.facebook.com/DepEdALS# at i-PM ang inyong essay composition. Makaka-asa ang lahat na iko-correct ng inyong lingkod kung mayroong makitang mali, at magsa-suggest ng ilang mga punto para mas ma-develop nang husto ang inyong essay composition.
(Mula sa www.deped-als,com)